Not about the Truth or Campus Journalism

Chronicles from the Crypt

Disclaimer: Pawang kathang-isip lamang ang mga tauhan sa mga akdang nasaad. Hindi sinasadya ng may-akda ang pagkakapareho sa mga tunay na identidad o kalipunan, buhay man o yumao na.

Salamat, Pareng Vladimir

Hindi ka man nagsasalita, hinahayaan mo akong maglabas ng sama ng loob at ng minsanang pagka-bitter sa kung anuman. Pilit mo akong iniintindi, kahit alam nating mahirap tayong magkaintindihan dahil magkaiba tayo ng mundong ginagalawan (kahit ang totoo niyan ako lang naman ang gumagalaw talaga).

Buong puso kang nakikinig sa aking mga kuwento. Tinutulungan mo akong magkaroon ng ideya kapag gusto kong magpost sa aking blog. Tinutulungan mo akong makapaghanap ng online journal articles ng libre para sa aking mga term papers. Hinahayaan mo akong gumawa ng mga artikulo para sa Sinag kapag kinukulit na ako ng editor ko. Hindi ko makalimutan noong minsan, may isang taon na yata ang lumipas, nang itinuro mo sa akin kung saan ang website na maraming magagandang videos at larawan na hindi talaga papasa sa MTRCB at sa CBCP. Ang saya-saya lang!

Higit sa lahat, hindi ko makakalimutan nung nabigyan kita ng STD. Nagkagulo ang ating mga kaibigan nung nalaman nila ito. Di hamak na mas nagulat sila na ako ang nakapagbigay sa iyo ng virus. Pero hinayaan mo lang ako na maparusahan ng aking konsensya habang nakikita kitang nahihirapan. Mabuti na lang mabait ang isa nating kaibigan at binigyan ka ng paunang-lunas. Labis akong sumaya nung nalaman kong gumaling ka rin agad. Natutunan kong gamitin ka nang may labis na pag-iingat.

Hindi ko alam kung paano ko tatanawing malaking utang na loob ang lahat ng nagawa mo para akin. Ngunit balang araw ay makagaganti din ako sa iyo. Hindi ako magiging masaya sa lahat ng mga napagdaanan ko sa kolehiyo kung wala ka. Paalam at maraming salamat, Pareng Vladimir. Hanggang sa susunod mong pagstart-up. ▪

Sounds

Dati, lagi kong napapansin ang ingay ng isang kapitbahay na org kasi sobrang tahimik dito kahit marami naman kaming na andito. Pero di na gaano ngayon. Minsan wiz na lang sa sounds ng org na ito dahil nag-eenjoy lang ako at ang mga kasama ko sa aming sariling ingay.

Nandiyan ang mga screeching metal songs na galing sa laptop ni Mr. God, na sinusundan naman ng kung anu-anong major at minor nina Handel at Puccini. Di alintana ang polarity ng mga genre nito, engaged lang sina Mr. God, Mr. Just Genar at Mr. Aids sa kanilang game/chicks/acads na p*ksy*t (“Pacads”) talk. At kapag may foul, maririnig mo ang tingningningning ng isang concierge bell, isa lamang sa mga novelty items na matatagpuan dito.

Tapos bubukas ang pintuan at papasok ang isang pamilyar na nilalang, na sa itsura pa lang batid mo nang may nakahanda nang kwentong bitter. Somehow, palaging may isang taong equipped with a panalong hirit kontra dito. Tawanan dito. Tawanan diyan.

Kapag wala nang magawa kasi kinakabag na sa katatawa, didiretso ako kay Vlad, susuotin ang earphones at maglalog-in sa Jam Legend. Ilulunod na lang ang lahat ng ingay sa loob at labas sa ingay na galing sa cyberspace. Pindot lang ng pindot, kahit hindi ko maririnig ang mga, “Go, Jei!” at ang mga, “OMAYGAD NILULUSOB NA TAYO NG MGA ELYEN!” Ang alam ko lang, “Anak ng toot, sayang, 200 strokes na ako nun!”

Itong mga sounds na ito ang lagi kong binabalik-balikan. Tila mga forms of escape talaga sila mula sa sari-saring sounds na nasa loob ng utak ko na sinasabing, “Deadline of your research proposal next meeting. Kung tutulugan mo lang ang klase pwede ka naman magdrop. It is the case that Nietzsche wasn’t able to transcend the problem of the earlier Enlightenment thinkers either.” ▪

Love Letter. Ata.

Noong minsan, nagkakwentuhan tayo tungkol sa mga plano natin sa buhay. Sabi mo gusto mong maging abogado, makapagsulat ng mga libro at kanta, at siyempre maging aktibong tagapagpabago ng bayan. Nang tinanong mo ang pangarap ko, sabi ko, “Ikaw.” Tanda ko pa ang ating tawanan.

Taong 2007, dumating rin ang aking pinakahihintay. Kasama mo at ng pag-ibig nating dalawa, bumuo tayo ng isang pamilyang walang kapantay.

Naaalala ko pa nung ipinanganak ko si Carol. Tuwang-tuwa ka noon sapagkat di siya nawala gaya ng iba. Ang kambal nating sina Jei at Aldrich, namumuno na ngayon sa ating hacienda. Si Dan at si Ian mga pinuno na rin ng kumpanya. Aba manang-mana talaga sila sayo at mga achiever talaga.

Si April, mahilig parin mag-ilusyon pero mas responsable na siya ngayon kahit paano. Iyong anak mong si Mico, nagmana sa ate niyang si Carol at sa pera nakatuon. Si Genar, mas aktibo na ngayon, seryoso siya sa paggawa ng mga pro-green na aktibidad at mag-DotA gathering sa field. Si Renze naman mas pumapasok na ngayon. Nasita ko pa noong isang araw dahil akala ko siya ang nagvandal ng aso sa ating wall. Sana nga hindi na sila masyadong mag-away ni Ien dahil nakakabahala na.

Si Roseann, mas madalas na siyang nasa bahay ngayon. Si Ina tumutulong naman sa kuya Renze niya sa mga pag-aayos. Namimiss ko ang mga anak nating sina Mickey, Sheila at Mimah. Sadyang ganoon nga siguro talaga: tulad mo, may mga tao na kailangang pakawalan na.

Miss na miss na kita, Amang, pero alam kong hindi ka na babalik. Nais ko sanang malaman mo na may pamilya ka pa rin dito sa Silangang Pasilyo. At ngayong wala ka na, patuloy kong hahanapin ang mga yakap at halik mo…LOLz! ▪