Open Happiness

isang pagsilip sa kultura ng inuman

Panimula ni John Aldrich Telebrico

Hindi kaiba sa ilan sa mga mag-aaral ng pamantasang ito ang pumunta sa Katipunan, sa Teacher's Village o kahit sa Krus na Ligas para dayuhin ang mga popular na inuman. Hindi mawawala ang minsang pagpunta sa mga ito upang pagsaluhan ang drama at saya ng pagiging estudyante. Sa paglipas ng oras na pinasasarap ng alkohol ay unti-unting uusbong ang mga bagay na hindi karaniwang makikita sa loob ng klase o maging sa pamantasan.

Masarap makinig sa kuwento ng mga nalalasing. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa nito. Hango sa dalawang magkaibang pagtatala ng mga kaganapan sa isang inuman, tingnan natin kung paano sa tuwing humahalo ang alkohol sa daloy ng dugo nalalabas ang mga bagay na hindi nasasabi o nagagawa sa araw-araw.

***

Gabi. Malamig ang simoy ng hangin. Mga mga bote ng Red Horse ang nakapatong sa mesa. Mga ngiti at tawa ang nagpapalamuti sa paligid. Lahat ay masaya. Masaya dahil kasama ng bawat isa ang mga paborito niyang mga kaibigan. Masaya, dahil tumatambay pa ang lahat kahit mayroon pang pasok kinabukasan. Masaya, dahil sa isaw at corned beef omelette na pulutan. Masaya, dahil sa alak na nagpapaginhawa sa isipan. ”Happiness” ang pamagat ng gabi na ito.


Part One: TAGAY.

In the Ikot jeepney, I was already thinking about how this experience would go. I had resolved not to drink too much - a bottle would suffice, none at all would be much better. I also thought of leaving at 8:00 p.m. because I had requirements to finish. With all this in mind I started becoming anxious. But I also thought I just had to enjoy! This may just be an unforgettable
experience, either in a good or bad way. It will nevertheless be a remarkable one.

I arrived at Sarah's with the place only half-filled. As I sat, I looked around. I saw no familiar face aside from the company I had. One of my friends went to the counter and got four bottles of beer. “Wala bang straw?” I asked.

They laughed, hard. One of my friends said it would not taste good that way. The three of them took their first gulp immediately, and another, and another. I really didn’t know how beer tastes like, so I was hesitant to take my first sip. Nevertheless, I’ve heard that beer tastes worse when warm, so I drank. I was wondering if I would manage to finish that bottle and if I would eventually end up liking it.

Part Two: AMATS.

Pagdating ko sa Sarah’s, mainit akong binati ng mga kasama ko. Si Jen, si Ralph, si Mae, at si Allan, lahat sila masaya, nagtatawanan habang tumutungga ng beer – pati si Cheenie*. (Si Cheenie ay pinilit lamang sumama upang uminom ng beer. Dahil hindi gawain ni Cheenie ang makipag-inuman, siya ang ginawa naming guinea pig para sa simpleng etnograpiya na ito.) Namumula na si Cheenie. Mapungay na rin ang mga mata, parang bagong gising lang. Bagaman si Cheenie ay nakakaisang bote pa lamang habang ang iba ay nasa pangalawa na, okey pa rin siya. Maingay, masaya, at nakikitawa sa mga kwentuhan.

Allan: Ang happiness ba ay goal o effect?
Jen: Goal.
Cheenie: Effect.


Tiningnan ni Cheenie ang kaniyang selepono para sa mga text. Walang text. Napangiti siya na tila walang dahilan. Tinago na niya ang kaniyang selepono at minasdan na lamang ang paligid. Palipat-lipat ang tingin ng kaniyang mga mata, parang natatakot sa kung anong multo. Mahahalata na ang lahat, pati mismong si Cheenie, ay may amats na. Kinausap siya ni Jen.

Jen: So, Cheenie, mag-share ka naman. Ano ang mga frustration mo sa buhay?
Mae: Ay, ang ganda ng mga ngipin mo, Cheenie!
Cheenie: Talaga? Akala nga ng mga iba, pustiso itong ngipin ko kasi ang perfect daw.
Jen: Teka, ‘di pa siya sumasagot! So, Cheenie, ano nga? May mga baggage ka ba?
Cheenie: Wala naman. Masaya ako.
Mae: (hindi nakikinig) Tignan mo itong table, o, bakla yata ito, e!
Ralph: (patungo sa akin) Wag ka magalala. Kapag si Mae ang nalalasing, lahat tinatawag niyang bakla.


Two of us ordered dinner while I struggled with the beer. Every gulp made me go “Ugh!” Drinking it cold makes it taste less bitter, but it still did not appeal to my taste buds. I only drank a fourth of the bottle when the food arrived. There was no water, so I drank more beer. This time it was already warm. At that point, I was already feeling warm as well. They said that it was really a side-effect. I could feel my heart race, and not because it was getting late. I felt warm all over, especially my stomach. Getting more and more uncomfortable, my friends did not force me to finish my bottle.

Tahimik lang si Cheenie sa gilid. Mayroon din siyang sariling kwaderno kung saan siya nagtatala ng mga nangyayari sa paligid. Maya-maya’y nagreklamo na siya ng sakit ng ulo.

I remembered asking about why I was feeling what I was feeling. I was nauseated and I didn’t like it. One of my friends suggested that I take a walk because it would help get rid of the queasiness. I knew I was queasy as we walked, and my physiological well-being was going out of hand.

Cheenie: Nahihilo na ako! Nakakakita ako ng mga black spots!

Jen: Allan, Mae, samahan niyo nga si Cheenie bumili ng mani riyan.
Mae: Sige.
Allan: Tara. Mag-threesome tayo!
Mae: Ay, teka, may huhugutin lang ako dito sa bag ko.
Allan: Ano yang kukuhanin mo? Pera? ‘Wag na, sagot ko na.
Ralph: Huy! Nauna na si Cheenie! Habulin niyo!


Nanumbalik ang diwa ni Cheenie. Nagpatuloy ang usapan na napunta na sa relihiyon.

Ralph: Alam niyo bang wala ng purgatory? Ni-recall na raw ng Catholic Church.
Jen: O, talaga? Para saan ba kasi yun in the first place?
Ralph: Parang middle ground between death and eternal life.
Jen: Ah, oo. Doon kasi tayo lilinisan ng sala, diba? Pine-purge ang ating mga sins.
Cheenie: Pero wala naman talaga dapat purgatory, e. Diretso na to eternal life.
Mae: Bakit pa ba kasi may God?
Ralph: Isipin mo. Kung walang, God, walang Theology. Wala ring Philosophy.
Jen: Para rin may trabaho si [insert Philospophy prof here]!
*tawanan*


Nanumbalik ang pagkahilo ni Cheenie. Sinamahan naman siya ni Allan ngayon para bumili ng kendi. Nawala ang kaniyang hilo ngunit bumalik din kaagad.

I felt worse, but I was telling myself to calm down. I glanced at my watch: almost 9:00 p.m. It was way past the curfew I set for myself.

My company seemed to be having even more fun. One of our guy friends had taken more than 3 bottles, but it seemed to have little or no effect on him. He said it runs in his blood.

I felt really sleepy. I took a sip of cola and it made me feel a little better, but I still wanted to throw up. My friends were sharing more stories while I was obser ving and trying to stay awake. They said that talking would help ease nausea but I had nothing to say and I didn’t feel like talking anyway. I just closed my eyes and tried to take a nap.

‘Di nakasasali sa kwentuhan si Cheenie kasi masyado siyang nadadala ng alak. ‘Di makapagsalita; tameme. Naka-pokus siya sa pagkahilo niya. Ngunit salamat sa kendi, nakabanat siya ng malalim na tanong.

Cheenie: (Habang hawak ang bote ng beer) Nahanap niyo na ba ang “happiness” niyo rito?
Jen: Happiness is just a word.


Part Three: SPOLIARIUM.

Our two girl friends were tipsy and were showing "signs" of such. One of them recklessly told some very private stories. The other girl was speaking in a “conyo” manner.

Napunta na lamang sa salitang “mutuality” ang usapan.

Ralph: Ano kaya ang root word ng mutuality? Mute ba?
Mae: Oo, mute yata e.
Ralph: E ano naman ang kinalaman ng pagka-mute sa mutuality?
Ako: Hmn. Alam niyang mahal mo siya kahit ‘di mo sabihin? (M.U.)
Jen: Kahit naman hatî, e! Alam niyang hatî mo siya kahit ‘di mo sabihin.
Allan: At saan naman nanggaling yun, Jen, hmm?
Jen: Sa dodo ng cow.


Meanwhile, my two girl friends got another bottle, either their third or fourth. They were talking and laughing even louder. They were also acting funny-- apparently that’s what losing control looks like.

Nagpunta ng palikuran sina Jen at Mae. Pagkatapos ng sampung minuto, hindi pa rin sila nakababalik. Sila'y sinundan namin ni Allan para kumustahin. Pagdating namin sa palikuran, nakita namin si Jen at si Mae na kinakausap yung dalmatian na nasa kulungan. Takot si Jen sa aso pero noon lang daw siya hindi natakot. Tinatanong pa nga niya sa aso kung bakit siya
nagpapaawa gamit ang kaniyang mga cute na mata.

Bumalik din kami agad sa mesa at nagpatuloy ng kwentuhan.

Jen: Cheenie, patingin naman ng notebook mo diyan. Anu-ano na ba mga nasulat mo?

Inabot ni Cheenie ang kwaderno kay Jen. Dahil katabi ko si Jen, nakita kong napakagulo ng mga tala ni Cheenie sa kwaderno niya. May mga malalaking letra, may mga maliliit. Lagpas-lagpas din sa linya ang mga pangungusap. Tila abstract art ang hitsura ng mga pahina dahil sa kawalan ng kaayusan ng mga tala.

Ralph: Jen, patingin naman.*kinuha kay Jen ang kwaderno* Ano ba naman ‘to, ang hirap basahin ng notes mo!
Cheenie: Sige na nga, magshushulat na ako nang matino.
Jen: (Nagsisindi ng bagong yosi) Hahaha! Shushulat.
Cheenie: (kay Jen) Anong satisfaction ang nakukuha mo sa pagyoyosi?
Jen: Alam mo, ang satisfaction… (‘Di na niya naituloy. Humitit na lamang habang nakapikit ang mga mata.)


Part Four: HINDAKOLASNG.

I felt much better when I woke up, the queasiness had passed, and I felt sober. Our two guy friends were already wondering how to get us girls, safely home. In our condition, especially the other two girls’ conditions, we could not possibly get home by ourselves.

Walang dyip na bumabaybay sa kahabaan ng C.P. Garcia kaya’t nilakad namin mula Sarah’s hanggang Katipunan Avenue. Naging katawa-tawa at mistulang Extra Challenge ang paglalakad namin sapagkat kinailangan pang alalayan yung dalawa naming kasama. Basag na basag talaga sina Jen at Mae. Si Mae ay muntik nang pasukin ang Science and Technology building at ang tindahan ng mga gamit pang-hardin. Si Jen ay pasuray-suray na naglalakad habang tumatawa. Si Cheenie, bagaman uwinguwi na, ay nakatawa. Gising na gising siya't ‘di nag papakita ng kahit anong pagkalasing.

The walk along C.P. Garcia was long but it was the highlight of the night! I was no longer sleepy. My buddy and I were just walking side by side, while the two guys were having a hard time assisting the two ladies as they were quite unruly.

I was trying to process what was happening. The physiological effect of liquor really is fascinating. Perhaps the next day, people who experience intoxication would not even remember what happened to them - the things they did and said.

Maya-maya'y kinailangan na namin magpaalam sa isa't isa. Mga yakap at pagpapaingat ang nagpahiwalay sa aming lahat. Happiness.

When I reached my dormitory, I walked straight to my room on the fourth floor.

When I got into bed, I remember dozing off right away. What would happen the next day didn’t even cross my mind.

***

Para sa iba ay nagiging instrumento ang pagkalasing upang pansamantalang makawala sa anino ng mga pasanin. Ang iba naman ay ginagamit ang alkohol para higit na mapagbuti ang samahan sa mga kaibigan. Sa pakikipaginuman ay mas nagiging matingkad ang nais ng mga taong magkaroon ng puwang upang maipahayag ang kanilang mga totoong nararamdaman at saloobin. ▪

*pinalitan ang mga pangalan para itago ang mga identidad ng mga katauhan.