Pulso sa CSSP

Q: Ano ang gusto mong gawin ng susunod na CSSPSC para sa kolehiyo?

A: Sa palagay ko hindi kasi masyadong visible yung CSSP Council so walang akong ideya kung anong projects or programs nila for the college. Pwede nila yung ayusin.
-2007-31530
3rd year Psychology


A: Sa susunod na student council sana ituloy nila yung ginagawa ng previous council, tapos maging transparent lalo pa siguro sa mga estudyante. Tsaka sana wala na yung conflicts na nangyayari sa loob ng student council.
-Ian Baretto
3rd year Geography


A: Ipagpatuloy lang nila yung projects na naging successful tapos iwasan na lang yung parang naging isyu dati. Gawin na lang nila yung lahat para hindi na sila ma-isyu nang ganun.
-Marion Mike Abdiño
3rd year Geography


A: Kailangan democratic yung system ng council, kailangan magkoconsult sa mga estudyante palagi before the issue at hand, at kailangan dumaan sa due process lahat ng bagay lalo na sa pagGA. Kailangan ihatid din yung mga isyu sa college; hindi lang sa college, sa outside the college din.
-Irvin Imperial
3rd year Linguistics


A: Sa department namin namromroblema kami sa mga rooms, kapag may event kulang kami sa marerentahang rooms. Parang merong mga rooms na ginagamit ng Linguistics, ginagamit ng ganyan, pero sa Anthro sobrang limited siya. Nagkakataon din na yung ibang klase hindi na sa room nagklaklase, dito na lang sa museum. Kaya yun yung isang malaking problema namin talaga, wala kaming sariling space dito talaga. So sana man lang mabigyan kami ng space dito sa Palma dahil nandito naman yung department namin tapos dapat lang meron kami.
-2006-78435
4th year Anthropology


A: Sa susunod na student council, I’m expecting and hoping for a more transparent and democratic leadership na meengage nila yung students sa activities nila para hindi na mangyari yung mga problems na naencounter ng current council with regards to consultation. So I’m hoping and expecting na yung susunod na student leaders ng CSSP would really do more campaigns to engage the student body.
-2006-01179
4th year History


A: Tapatan yung this year, if not more.
-2006-78883
4th year Geography


Article by: April Sun