Letter to the Auditor

AUDITOR:

Kamusta, hinahanap mo ba ang iyong asawa? Kung ganoon ay huwag ka nang magpakahirap pa dahil nasa amin siya. Kalakip ng liham na ito ang litrato niya habang siya ay nakagapos sa aming tinataguang lugar. Bibigyan ka namin ng tatlong oras para ibigay ang mga hinihingi namin; kung hindi ay dugo na niya ang gagamitin naming tinta sa susunod na liham. Mula dito, sa bawat isang oras na hindi ka pa rin sumusunod sa aming kagustuhan ay isang daliri ng iyong asawa ang ipapadala namin sa iyo.

Kilala mo kami at kilala ka rin namin, kung kaya’t malamang ay alam mo na kung bakit humantong sa ganito ang ating sitwasyon. Kung gusto mong bumalik sa’yo ang asawa mo ng buo, heto ang aming mga kundisyon:

I-release mo ang aming honorarium. Tulad ng utang sa bangko na lumalaki dahil sa interes, may kasama nang interes na 20% kada buwan ang ibibigay mo sa amin. Ilagay mo sa isang maleta ang pera na dapat ay hindi sunod-sunod ang numero.

Pabilisin mo ang proseso sa pagrelease ng reimbursements at iba’t-iba pang files na kailangan namin. Dapat sa loob ng isang minuto ay natatapos na ang mga ito.

Tuwing simula ng pasukan ay bigyan mo kami ng 1 year’s supply of office supplies. Siyempre, libre dapat ito.

Pasabugin mo ang Departamento ng Abacus at SPAMO na sobrang gulong kausap at iniisnpect pati aming kaluluwa bago iapprove ang release ng pera.

Putulin mo ang dila ng alipores mong abnormal na malabo ring kausap at kung anu-ano ang pinapagawa para sa honorarium.

Isama mo rin pala ang dila ng iba mo pang mga alipores dahil lahat sila at magugulong kausap.

Ikulong mo sa kanilang opisina ang mga prinsipe at prinsesa na sobrang delay ang mga response at parating wala sa kastilyo pag pinupuntahan.

Barilin mo ang mga kawal mo na biglaang rinerehas ang SINGA opis kaya dumadaan pa tuloy kami sa kadiliman ng 2nd floor bago makalabas ng gusali.

Kung itatapon kami sa mga workshops na mamahalin o nasa dulo ng mundo, ibigay mo muna agad ang panggastos namin. Hindi kasi kami mayayaman at wala kaming private jet para makapunta sa Mindanao nang basta-basta.

Huli sa lahat, ibigay mo sa amin, auditor, ang ilang piraso ng iyong buhok para makulam ka namin pag pinahirapan mo pa kami uli.

Ngayong alam mo na ang mga dapat mo gawin, huwag na nang magpatumpik-tumpik pa. Huwag ka rin magsumbong sa kinauukulan kung gusto pang manatili sa kanyang leeg ang ulo ng iyong kabiyak. Pati na rin ang iyong ulo, sapagkat lingid sa iyong kaalaman, nung dinakip namin ang iyong asawa kagabi at nilagyan ka na rin namin ng microchip. Hindi mo na kailangang malaman kung saan namin inilagay ito. Sapat nang mabatid mo na naririnig namin ang lahat ng sinasabi mo, nalalaman namin ang iyong posisyon, at sasabog ang katawan mo kung gugustuhin namin.

Tumatakbo ang oras. Pag nagdilim ang paningin mo, asahan mong parating na kami.

SINGA Staff