Bulutong: Ilang Bugtong sa bagong panahon

Ni: Joots Cungmalandhi

Dumaan sa Cabanatuan
Namatay buong bayan

Dalawang-daan isingit
O pumila ka hanggang langit

Eto na ang chuva
Palalakasin pa si Gloria

Bayan ko sa ilalim
Nagpapatayan Kristiyano at Muslim

Isang punyeta
Nakaupo sa Palacia

Sa umaga, 4 ang marka ng poging papipiliin kung kwarto o kama
Sa tanghali, 2 ang marka ng babaeng maganda
Sa gabi, 3 ang marka ng lalaking matalino na mukhang paa

May puno walang bungang maganda, may sangang puro tanga.

Hindi pari, hindi hari, ang mansion at bank account ay sari-sari (para di mahuli).

Hindi makatao, parang hayop, sa pagpatay ng mga mamahayag ay hayok na hayok

Buto’t balat walang makagat

Bahay ni Ka Huli, haligi’y binali-bali, pinagpapalo sila’t tinaboy sa Erap City

Baston ni Juan, di mabayadbayaran.

Nagnakaw si Judas, kinuha ang para sa bigas,
itinapon para sa taas.


Mga sagot:
1. Paliparan
2. Kotong
3. Chaka-chaka
4. Mindanao
5. Bokia-Manananggal Ayoko
6. Soprano Experience
7. Admenstruation
8. Politicians
9. Militartar
10. Penoy
11. Squatter
12. Penoy
13. Joke Joke Bolate