Ni: Jebs Excreted sa Bibig
1. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
-- Aanhin pa ang damo, kung noodles at asin na ang uso.
2. Walang salang hindi pinagbabayaran.
-- Walang salang naisisiwalat ang napagbabayaran.
3. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
-- Kung sino ang masalita ay siyang may gusto ng CHACHA.
4. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
-- Ang matapat na kaibigan, sa pondo ng eleksyon ay maaasahan.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
-- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa, nasa pulitiko ang pagngawa.
6. Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit, kapag nakawala’y di na babalik.
-- Ibong sa hawla’y ikinulong nang mahigpit, kapag nakawala’ykakandidato muli. .
7. Masakit ang katotohonan.
-- Mas masakit kung di mo alam ang paniniwalaan.
8. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
-- Ang karukhaan ng sambayanan ay mananatiling karukhaan kung walang pagbabago sa lipunan.
9. Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan ang tuloy
-- Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, nabuwag din ang United Opposition.
10. Aanhin ang malaki na hahanapin pa, kung mayroong maliit na nasa kamay na?
-- Aanhin ang malaki na nasa kamay na, kung may mas malaking makukurakot pa?
11. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
-- Ang taong nagigipit sa Senado, sa doctor kumakapit.