Cookie ni Mami

Maja Blanca Binudbod

Nagluto si nanay ng biskwit
Manamis-namis at mainit-init
Meron itong tsokolateng malagkit
Na kapag kinagat sa ngipi’y didikit

Ang sarap-sarap ng cookie ni nanay
Sa bawat kagat tila ba nakakawala ng malay
Makikita mo ang bahaghari na kulay
Sa sobrang sarap, para ka nang
nangabilang buhay

Kaso tinago ni nanay sa loob ng
garapon
Lahat ng cookie na hindi ko pa
nalalamon
At sa pagtago niya, nag-iwan siya ng
hamon
Na hanapin ang biskwit na kung saan
ibinaon

Buong bahay ay aking tinaob
Sa pag-asang makita ang garapong
may saklob
Kung saan-saan sinundan ang
aking kutob
Pinangakong para sa cookie’y di
mawawalan ng loob

Dahil sa tagal napagod ako
At ang paghahanap, aking pinako
Hindi na nasunod ang aking pangako
Na hanapin ang cookie ng nanay ko

At dahil sa tagal, si nanay ay
nakapuna
Na ang paghahanap sa garapon ay
tinigil ko na
Sabi niya ‘ayan, ang cookie’y may
amag na
Kaya sa susunod magisip-isip ka
muna’

Aba! Ako ay bwisit na bwisit
Kaya humiling at mata’y pinikit
Nawa magluto muli si nanay ng
biskwit
Na manamis-namis at mainit-init