Nunal

Tuldok lang sa paningin
Di kayang palayasin
Mukha man ay baguhin
Siya’y nakaupo pa rin


Sari-sari Store

Sa dilim nakapuwesto:
Tindera sa Alabang
Basta’t merong salapi
Lahat puwedeng mabili


Inuman

Itapon ang demonyo
Sa harding di malago
Damo’y nakayuko sa
Paa ng di matino ▪

Genar Pascual