Editorial: Next Station: Station of the Cross sa Sobrang Suffering Dulot ng Population Boom (pero don’t worry, kahit mega haggard, gaya na lamang sa s

Define imbyerna ang pagsakay ng tren sa Cubao station. Mapa-MRT o LRT, southbound o northbound, hay, feel na feel ng bengga ang surplus of Noypis, like, ever. At habang sumasakay nga daw sa Cubao station kinalculate ni Tomas Osias, ang Mudra Superiora ng Population Commission (PopCom), ang projected population ng mga Noypi by 2040, assuming hindi tayo sunduin ni Bro sa 2012. At ang sagot ay isang nakakalokang 184.4 million daw!

Like, gravity. Ngayon pa lang sa population of 92.2 million mahaderas y mahaderos ay windang na windang na tayo. Siguro pagdating ng 2040, ang buong Farmer’s Plaza na ang hintayan for the train, come on! Imbis siguro sabihan ang mga nakaabang na (chance) passengers ng MRT nang, “Sa mga hindi makakasakay, next train na lang po,” sasabihin na niya come 2040, “Mga bakla, bukas na lang po! Pila na lang kayo 4:30 ng umaga!” Haggard, ever!

Tapos, araw-araw na lang may mamamatay sa stampede na magaganap sa pabilihan ng stored value at single journey ticket. Ito ang magiging leading manmade cause of death ever. Ang mga escalator ay hindi na rin paaandarin dahil two minutes pa lang wiz nang may masisiksikan pa ang mga mahaderang “lumilinya” sa taas para sa inspeksyon nang dalawang guard pa rin. Good luck na lang sa mga bumababa sa Ayala station, para lang kayong mamamanata sa pag-akyat sa escalator. Woot woot!

Sa mga nakasakay naman sa tren, mega orgy lang sa loob dahil define asses to asses at bust to bust ang mga bakla. In fact, mga sampung babae kada end to end na biyahe ay lalabas na mudra! GANUN ka siksikan sa MRT at LRT—tumatagos sa obaryo! Haggard! Kaya kahit naman nag-improve nang katiting ang sex education dito sa Pilipinas, parang wala lang din dahil sasakay lang sila ng tren ay poof, jontis na ang mga bakla. Not unless magbigay ng pondo ang DOTC sa mga operator ng MRT at LRT para kasabay ng pagbigay ng ticket ay may complimentary condom. I LOVE it!

Like, if ever nga umabot tayo ng 184M Pinoys at magdodouble up sa 2040 (PBB?), magiging top ten tayo sa most populated countries ever sa worldiness. High five—CONGRATULATION! Magpapalakpakan ang mga pekpek sa siksikan at kahit siguro sa elevator ng mga mall ay magkakaroon na ng residente. Si Big Brother naman ay magtatie up with GA Suites at gagawing townhouse ang Bahay ni Kuya. Dito titira ang sampung pamilya na silang magiging tanging mga tao na may gross (like eww) annual income na 100,000 and above. Haggard lang, no?

Dalawa lang ang pwedeng gawin nating mga haliparot para di magkatotoo ang mga hula na itey. Sabi ni Mudra Osias, kailangan talaga paigtingin ang teacher-student relationships on population education. Ang mga campaign para sa angkan planning ay dapat mas palawigin at siguraduhing umabot sa grassroots level, how-kei? At imbis na magsabunutan at magsampalan ng mga sutana at birth control pills ang simbahan at ang mga secular na ahensya ay dapat mag peace talks sila, like, now na, at magtulungan sa issue na ito. Iba man ang views ng PopCom sa CBCP or, like, whatever on—gosh—*blush* sex *blush*, ang usapin ng reproductive health at population control ay LITERAL na usaping pantao, come on. At sa pagkakaalam naman namin, pareho namang involved ang gobyerno at simbahan sa tao, like, duh.

At ang isa namang solusyon diyan, DIYOS KO DAY! IPAGDASAL NIYO NA NGA LANG NA MAGUNAW ANG MUNDO SA 2012! Ka. Lo. Ka. Sorry na lang sa mga 2008 students, pag-graduar niyo, wa na kayong mundong aabutan!