Alien invaders nasight sa tapat ng AC: UP earthlings, muntik nang madala sa mother ship

Confirmed na true ang mga aliens from outer space nang ininvade nila ang isang earthling demonstration sa tapat ng Asian Center (AC) hapon noong December 2.

Ang mga invaders di umano’y nagmula pa sa Planet B-612-QCPD, sa galaxy ng Fascisteroid. Lahat sila’y nakablue, helmet, armor, batuta and leather shoes nang sila’y lumusob.

Nasaksihan sila ng ilang earthling na noo’y nagdedemonstrate against “President” Gloria Pakapalan Arroyo na nakaschedule magpakita’t mapahiya sana doon noong araw na iyon.

Ang mga dahilan ng field demonstration ng mga earthling ay ang pagtakbo ni Arroyo sa CON-greso as the Ate V of Pampangga, ang pagbabarbero ng budget for education, ang karumaldumality na naganap sa Maguindanao, at sa patuloy na komersalisasyon sa obaryo ng UP, as exemplified sa pagiinaugurate ng Asian Center-Toyota Theater that day.

But no Pakapalan-Arroyo was to be found, not because hindi siya nakita sa liit, pero dahil hindi lang talaga siya sumipot. Na-sissy? Pero sa di inaasahang twist nga ay lumusob ang mga alien invaders na sa una’y ilang hanay lang hanggang dumating ang reinforcements nang naka-bus pa.

Engkwentro Fatale
Ani Ralph G., isa sa mga demonstrators from CSSP na andun noong araw na iyon, nagsimula ang engkwentro with the aliens with matching bakbakan nang biglang pinadisperse ng mga aliens ang mga demonstrators.

“Wala naman talagang utos na idisperse,” sez ni Ralph G., “dahil una sa lahat, nasa UP naman kami, bakit kami ipapadisperse e hindi naman ilegal ang ginawa namin, hindi naman gaya sa ibang kalsada na kailangan pa ng permit para magprotesta.”

Tumaas ang temperature nang dumami na ang hanay ng mga alien invaders na pumasok sa UP, na ayon kay Ralph G. ay nanghaharass pa ng mga professors at estudyante na andun, hanggang sa they can’t fight the feeling anymore—but no, it’s not amor!

“Pinosasan pa nila ako, at tatlo pa yung pumwersa sa akin. Pati yung mga ibang kasamahan namin kahit mga babae bumagsak, ta’s tinapak-tapakan, at ako nga pinosasan,” ani Ralph G. “Para talaga kaming mga kriminal.”

“Questionable yun kasi yung presence pa lang nila questionable na, at yun, nasa UP naman nga kami,” sez ni Ralph G. kasi meron nang existing Memorandum of Alienation (MOA) between the DILG (Department of Interlabanan ng mga Galaxy) and UP requiring any alien invaders to stay out of the school’s campuseses .

Nagsimula na lang daw magretaliate si Ralph G. nang may nagbanggit na civilian (na naka-civilian) na kukunin daw ang kanyang bag. “Wala naman akong kaso para kunin nila ang bag ko. Walang due process.”

Naposasan na pero sa isang kamay lang nang tumakbo na si Ralph G. tungo sa mga tauhan at professors at mga miyembro ng UP Workers’ Union sa may Asian Center.

Pinasok si Ralph G. sa van ng UP Workers’ Union at dun na siya tinanggalan ng posas ng isa sa mga alien invaders. Pagkatapos ay ininterview siya ng mga “Panig sa katotohanan. Panig. Sa Bayan.” Hinatid siya at ang dalawa pa sa kaniyang mga friendships sa UP Health Center (Infirmatay) para ipa-check up.

Nang tanungin ng SINGA kung ano ang naramdaman nang magkaroon siya ng close encounter with the unkind, sez ni Ralph G., “Hindi ko na maalala kung napin-down ako o hindi kasi hinahanap ko na yung tsinelas ko nun, e may sentimental value kasi sa akin ang tsinelas na yun.”

Narealize na lang niya ang mga kaganapang naganap nang na-upload na sa Fezbook ang kaniyang mga paparazzi shots.

Pero hindi daw natatakot si Ralph G. sa nangyari. “Ganun naman talaga kapag sumasali ka sa mga pagkilos. Kung alam mo yung consequences, dapat ready ka nang harapin yun.”

ADIKhain
Nang mapanood pa kamo ni Ralph G. ang balita late that night, naabutan pa niya ang comment ng isang hepe ng mga alien invaders na sinabing kaya daw sila nagpa-disperse ay dahil hindi naman daw lahat ng kasama sa mob ay mga tiga-UP, kung hindi mga adik.

“Una sa lahat, isa sa mga halimbawa yun ng stereotyping,” reaksyon ni Ralph G. “Pero wala naman talaga siya doon sa hanay, di naman niya talaga kami nakita, tapos hindi rin niya sinabi kung adik saan—adik sa droga, adik sa alcohol, adik sa… [SINGA reporter: DotA?]... oo, DotA. Wala.”

Mapanuri. Mapagmatyag. MATANGLAWIN!
Kinikitang isang mahalagang expose ni Ralph G. ang kanyang near-detention experience. “Sana hindi mamatay agad ang issue na yun kasi may existing naman talaga na violence sa Pilipinas na nasensationalize pa nang coverage ng Maguindanao massacre... Pero nangyayari na siya dito sa UP mismo, nangyayari siya sa mga kasamahan mo.”

“Maging mas vigilante, mas maging mapagmatyag… Dapat ganun hindi lang sa election sa nationa [level] o dito sa atin, kung hindi sa buhay na pang-araw-araw bilang mga Iskolar ng Bayan,” sez ni Ralph G.

“Ganun,” pahabol niya sa huli. ▪

Chorva ni: Mahaderang Joklang Echosera