Pretty Singasterang nag-dinner: hindi nag-text sa Mudra; Mudra: naloka ng bonggang-bongga

Sa ulo ng ng mga nagbabagang chika mula sa the true, the good, the beautiful and the perfect queers mula sa Kingkongdom of Singa ay may simpleng blind item kami na not so blind na para sa amin pero so blind pa rin sa inyo so ichichika namin sa inyo para fair. Hihi.

Sino itong pretty Singasterang ito na nagdisappearing act noong November 3, Tuesday Two Thousand of Nine, na sa kanyang pagkawala ay nabulabog ang kanyang mga BFF sa pamumulitka, sa mga ORGies niya, at maging si Mahaderang Joklang Echosera, ang MOM ng mga closet baklitas ng Singa?

Well, normal lang naman to go MIA and disappear sometimes when you feel na hindi ka na sumasabay sa agos ng lipunan. Pero goshness disappearance during dinner, iba na ata iyon! Hello. The chika is that nagpaalam daw si pretty sinagsterang ito na magdidinner siya with her social capital on the first day of enrollment sa University of Philingeras.

Pero itong si gurl, nakalimutang bitbitin ang isa sa pinakamahalagang mode of communication niya to the outside world na walang iba kundi ang cellphone. Or baka naman talagang nag-dinner marathon sila ng kanyang mga friendships kaya nung nag-11 pm na ay wala pa rin siya sa bahay (ayan ah, kahit papaano we are defending her on her behalf).

Kaya naman ang kanyang enforced disappearance made her Mudra so worried that it caused a wide spread pandemonium in the cellular world. Her Mudra called and texted ang mga feel niyang chummy chummy friends ng pretty singasterang ito. Imagine, going out for dinner na lumalagpas na sa curfew mo without calling your Mudra na malelate or mag-didisappear ka, that’s so kaloka!

Anyway, buti naman at naisipan ni pretty girl na bumalik from her disappearing herself and back to her Mudra’s loving arms. And they will live happily ever after (kasi magpapasko na, duh!). ▪

Chorva ni: Jerjer After Thesis-class at Ma. Ga Hasa