Tatlong linggo bago ang lanteren parade, CSSP wala pang plano ganito na lang since nung naginterview kami, 3 weeks pa be- fore lantern.

November 28, tatlong taon bago magunaw ang mundo*--Sa December pa raw kasi sila magplaplano, sabi ni Bian Gavriel, ang nag-iisang ininterbyu naming mga reporter sa mga nilalang na gumagawa ng lantern ng kolehiyo.

Ang iba pang gumagawa nito ay ang student council, mga organisasyon sa CSSP, at ilan pang estudyante ang nagkukusang-loob na tumulong sa paggawa ng lantern. Yun lang. At dahil wala nang ibang maibabalita, ikukwento na lang ng mga reporter ang nangyari sa araw ng isa sa kanila pagkatapos ng interbyu at masusing pangangalap ng impormasyon.

Bumili si Abrilata ng mint and chocolate ice cream sa Shopping Center. Mmmm.

Tutal naman, hindi pa nakakaisip ang kolehiyo ng design para sa lantern, si Cristianong Pasaway ay may nakuhang magandang ideya mula sa interbyu niya kay Gavriel: Maganda daw sana kung gagalaw na ngayon ang lantern para naman hindi nakakaantok tignan. Nakakaaliw nga naman kung maiiyak sa hilo ang mata mo sa galaw ng lantern. Mas maganda kung tipong disco ball ang itsura nya para malayo pa lang kita mo na! Mapapaindak ka talaga sa kulay. Iyon naman ang mahalaga--yung mapansin nilang lantern nga ang pinaparada mo at hindi kung ano ano pa.

Pero tignan na lang natin ang kasindak sindak na lantern na gagawin ng CSSP nayong taon. Malay natin mag-evolve ang bahay last year at maging building na. Basta, paalala lang magdala ng shades sa Lantern Parade baka masilaw ka sa liwanag ng mga lantern na uubos ng supply ng kuryente sa Quezon City. ▪

* Ayon sa mga alagad ng Iglesia ni Chris Tiu.

Chorva ni: A. Sumusugat at C. Megapasaway