The Kacheapan that was: The Singa Year-end Special!

ni Mika Tsiu at Instant Jugjugan Internally

MEnero
Inaprubahan ng chakang UP admin ang pagdemolish ng UP pwet and dry market. Nagreklamo naman ang mga nasabing baklush na living there dahil hindi raw nagpaalam o nagkonsulta sa kanila ang mga bopol na taga-admin. Elsewhere, chinismis ng nakatakas (sa mga kamay ng mga tutang militar) na baklitang si Raymond Manalo na yung chuva niyang si Sherlyn na isang UP student ay pinahirapan rin ng mga tuta. Sa bahay naman ng mga baboy, inaprubahan ng 14th kongreso ang SB 1964 and HB 2845 na papalitan ang 100 taong tsarter ng UP at tatawagin na ito bilang isang nasyonal na unibersidad.

Pebrareeroo
Nagpasabog ng isang malaking utot ang whistle blower na si Jun Lozada ukol sa maanomalyang NBN-ZTE scandal na kinasasangkutan raw ng mga pa-girl na sina FG Mike Arroyo at Benj Abalos. Sa kabilang dako naman ng mahiwa- gang mundo ng bastusan, binuhay ulit na parang titi ang plea ng isang S***a R*o frat member na itigil na ang imbestigasyon ng SDT sa QCRTC o yung tungkol dun sa namatay na friend nating si C**s M****z dahil sa hazing.

Marso(pial)
Buti naman at grumadweyt ang mga dapat grumadweyt sa buwan na ito. Pero di lang yun yung chorba. Inaprubahan na ng mga baboy ramo sa senado ang huling bersyon ng UP tsarter. May pahabol pala yung si Lt. Col. Felipe Anotado. Echos lang raw yung sinabi ni Raymond Manalo na dinakip at pinarusahan sina Karen at Sherlyn. Nanghipo lang naman raw sila ng pwet. Ngay- ong buwan din sumugod ang MMDA na isang kultong sumasamba kay Satanas at tsinugi ang UP pwet and dry market na wala man lang paalam sa chakang UP Admin mismo. Yung mga friendships ko tuloy nasugatan. Sabunutan ko kayo eh! Hay buti naman at nag-celebrate tayong mga babae at nagkukunwaring babae nung International Women’s day kung saan 12000 na babaeng may period pati ung mga pa-girl ay nagprotesta sa mga chorba ng kasulukuyang administrasyon. Taray!

Abreel(ata)
Bakasyon na! Simula ng masaya at mainit na pagkakanton (Lucky Me! Sarap!). Nag-donate na naman ng 5M na datung angpapa ko na galing Tuyota para sa Traffic Safety Model Zone Project para iwasan na raw ang mga naghaharutan sa kalsada. Sa isang bahagi naman ng mundo nating mga diwata, pinirmahan ng pangulo ang RA 9500 o ang UP tsarter ng 2008 sa UP Visayas-Cebu Campus. Eh bakit hindi na lang dito sa campus natin?! Para jombagin natin yung chaka.

Mayo(nes)
Nagebalwasyon din ang mga sugar daddies at mommies natin na kawani (faculty kung di mo alam) para sa promosyon. Ginanap din ang isa sa mga malalaking pangyayari kung saan mahalaga ang pagpapakitang tao para magpaganda at magpapogi. Ang tinutukoy ko ay ang Centennial Donor’s night na kung saan maraming papa ang bumibigay ng hanggang sa 100M na datung para pambili ng kotse, bahay, at babae, ng mga echosero’t echosera. Ang yaman ng lola mo! Ay oo nga pala, tumaas din ang presyo ng bigas sabi ng UN Food and Agriculture Organization. Kaya dumadami ang populasyon ng mga nagugutom e! Dahil walang foodies, sila-sila na lang ang nagkakainan. Ay, naughty!

(Ba)Honyo
Sige na nga, tuloy ang kantu...tuwaan sa pagbabalik ng eskwela para sa lahat at pag welcome sa mga inosenteng bata (freshie ata yung tawag dun) na pwede nang gahasain. Sandali! Nilipat na rin pala yung dating free day na Wednesday at sa Monday na siya ngayon! Ngee. Sabi raw ng Assitant ng University Registrar an si Hide Emmy A-bud, dahil raw sa lecheng RA 9492 o ang pinakamalapit na holiday ay iuurong sa lunes, binago ng OUR yung schedule at dun din nagkabalibaliktad mga mundo ng mga baklang nakasanayan na ang dating sistema. Grr. Ang masama pa dun, di tayo kinonsulta. Tayo na pinakamagagandang ipis sa balat ng lupa! Naku, relax muna tayo day at nagpep rally ang UP Pep sa UP Theatre para sa mga nagtitigasan (ang mga muscle!) na athletes sa season 71 ng mga laro sa UAAP. Sa malapit-lapit na dako, wala pa ring tambayan ang mga echoserong organisasyon dahil sa walang katapusang chorba sa kakulangan ng tambayan. Teka teka, meron din palang naganap na pagjojombag ng mga papa ng B**a S***a at A***a P*i dyan lang sa AS Walk. Ang maganda lang ata na nagyari sa buwan na ito ay ang muling pagladlad nating mga kapatid sa taunang Pride March ng UP Babaylan kasama ang USC Gender Desk at mga GAGA. Ang tataray ng mga lola niyo! CHOS!

Holyo (Kau!)
Julay julay julay, juli ka na ba? Anyways, ang UP ang naghost ng UAAP season 71 ngayong taon at napaka bonggang bongga to the highest level ang mga kaganapan sa Araneta Coliseum sa opening nito. Sa ibang bagay na hindi masyadong bongga, nilaunch ng UP Press ang Centennial *yawn* Publications sa Balay Kalinaw at nagsimula *yawn* na naman ang KAP~zzzzzzzZZZ. AY! Sa kabilang dako, ang UP Manila UMAKSYON ay nagsumite mg petisyon na pinirmahan ng 111 na palakang chaka na nakalaan ang 18 demands ng estudyante, siyempre kasali na dito ang libreng sine sa mga malls. At tayo’y hahantong sa ika-8 SONA ng ating kataastaasang pangulo (ha-ha) sa harap ng mga nagpapayamang kongresista. Walang bago naman, puro babuyan lang naman at paglalakwatsa ang babae na yun. Oo nga pala, 40 na ang SINAG! Mabuhay sila na mga natitira at nananatiling matitino sa lahat ng bagay!

Ogosto
Hay nako nagkakagulo na naman ang mga chakang palaka at mga echoserong ipis dahil lang sa lupang tinatawag na Bangsamoro JR. Una dinaan sa memorandum chorba na pinag-usapan pa ng matagalan habang marami na ang nat- sugi sa digmaan. Kapag napasa raw ung chorba eh di hindi rin raw siya tugma sa konstitusyon ng mga bading. Kaya raw binigyan din ito ng temporary restraining chorbaness. Kahit naman ganito, tuloy ang ligaya dahil sa Beijing binuksan ang Olympics sa napakalaking itlugan Bongga! Pero wala naman binatbat mga atleta nating pa-echos echos pa sa mga commercial.

Shetyembre
Namatay yung CEGP Vice-President na si Rachelle Mae Palang dahil sa engkwentro ng mga bading na AFP at mga palakang NPA sa Negrows Occidental. Sa magaan na bahagi ng balita, gagamitin na raw yung lumang alituntunin para sa pagpili ng Faculty Regent na ipapasok sa BOR para pahirapan na naman tayong mga magaganda sa balat ng lupa. Hay boring naman!

Oktubuwitre
Ampocha! Bawasan ba ang budget ng UP ng 280M pesoses dahil sa bwiset na General Appropriations Chorba Act na yan! Leche! Ayun na nga, nagreklamo na din ang UP All Worker’s Union dahil hindi raw sila kinilala as a sisterhood na exclusive bargaining unit na kumakatawan sa usaping administratibo at REPS sa nakaraang Presidential Advisory Council. Buti na lang nagkaroon ng ika-67 na national student press convention ng College Editor’s Guild ng Pilipinas para naman may lumabas na katinuan sa mga kukote ng mga tao ngayon. Yung USC din ata nag mid-term assessment and planning sa Consuji Room sa Bahay-bahayan ng Alumni. Sana naman namigay kayo ng pagkain ano? Hay! Nahaggard ang beauty ko! Buti na lang online na raw ang SINAG! Itanong niyo na lang yung e-mail address ah.

Noob-embre
Ayan, sa kasalukuyang kaechosan, hiniling ang madaliang pagreview ulit ng STFAP para makaadjust sa bonggang bonggang tuition ng mga freshie ngayon. Hay pera talaga. Speaking of, nagprotesta ang mga bugaw ng All Government Employees Unit sa Batasan sa pagbubukas ng kongreso at pagsulong ng 3000 na datung na dagdag sa sweldo. Dahil din sa sobrang libog sa pera ay nakapatay ng tatlong baklita ang mga armadong tikbalang na umano’y nagnakaw ng limpak na datung sa Veterans Bank sa Bahay ng Alumni. Katakot girl! Natanggal na rin yung isa pang malibog na senador sa kanyang posisyon bilang presidente ng chorbang senado. Sa wakas at pumasa din ang impeachment complaint ng uhugin na si JDV III sa unang hearing nito ukol sa NBN-ZTE scandal, fertilizer scum, at mga natsutsugi na mga echosero. Botohan na rin pala ng bagong faculty regent sa mga araw na nakaraan. At sa kabuuan, isang magulong second semester na naman. Hay nakakaloka!

Dismembere
Chorva lang ang buwan na ito! Sinimulan ng pag-iilaw ng mga sub-standard na Christmas lights (DTI oh!) sa Yoopee Dilaan at friends, kapos sa kutitap ang ibang arvore. Di pa nakatulong ang mega construction sa Acad Global noh. Super mega effort din and Kuneho ng Mag-aaral ng kolehiyong ito to make belens and sing carols. Sa dalawang pabonggahang iyon, Bukod-Silip at Mugad-Nayk ang nanalo respectfully. Wafaz. Meron din palang next level singtonado sa tyeter. Sana win ang CSSP. And in kaguluhan, meron ding convulsion on the selection of the new Stupid Relent before we view the parol parade and we go for a break. Hay naku. Yun lang. Wiz. Chorva noh? Babooshka! ▪