Lakad-Labas kontra chaKA-chaKA chumorva

MOByembre 25 - Sa mga nagbabagang balita, isang walk-out para sa pagbibitiw ni Bokia Manananggal-Ayoko at pagtutol sa Charter Change (chaKA-chaKA), ang naganap sa UP (Underground ng mga Papetek-peteks) sa ganap na alas 11:30 ng umagang-kay-ganda.

Sinundan ng isang martsa patungong Plaza Miranda sa Maynila na nilahukan rin ng ibang pamantasan kung saan nagkaroon ng teach-in session ang nasabing walk-out.

Pinangunahan ito ng Bagong Alyansang Makabayan na binubuo ng Anakbayan, League of Filipino Students (LFS), Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP(Stand-Up), Center for Nationalist Studies (CNS), Student Christian Movement (SCM), National Union of Students of the Philippines (NUSP), at College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP).

Ayon sa datos mula sa fly-fly-fly the flier ng Stand-UP, kalakip ng pagpapakulo ng chaKA-chaKA ay ang balakin ng rehimeng Ayoko na palawagin pa ang termino nito lampas 2010, balikatan, dikyaturyal, wars of geira, 100% Pooring dOwnership, at pagkakaroon ng Crime Minister.▪

Eklat ni Joots Cungmalandi