Galinguistics, Olats sa Bored at Sweet Games: Kasawsawan at Susology nang-ungas ng slight

Nagpakitang-gilas ngunit sumemplang slight ang Galinguistics department sa mga bored at sweet games chapter ng Kapalpakasan 2009 na ginanap noong Nobyembre 28 at 30.

Nakakalap ng 241 points ang Galinguistics, making them the most olats sa walong departments na nagfull-forsan sa Kapalpakasan 2009 bored and sweet games.

Sinundan sila ng Kasawsawan department na nakakalap ng 352 points, at ng Susology department na 404 points naman ang inachieve kaya’t umabot sila sa ating top three olats list.

Ang mga nilarong bored at sweet games kung saan di masyadong pinagpala ang ating top three olats ay sungki, agawang puri, scrabol, pa-tanggero, games of the jerjerers, cheeze, at ultimate freeze-bee.

Ang Galinguistics ay hinirang as champions naman sa sungki, infernez. Ang Susology naman sa agawang puri. Ang Kasawsawan, may next year pa naman daw para makabawi.

Ang bottom three naman sa ating olats list mula sa somewhat bottom hanggang mega bottom ay ang Pilosopohan department na nakakuha ng 436 points, Jugjography na may 493 naman, at Psychotikitiki department na may 530. ▪

Chorva ni: Mahaderang Joklang Echosera