PugadSayk, wagi sa Carolfest the second time around

Muntik nang wasakin ng PugadSayk at ng kanilang fans ang Balay Kalinaw nang ihirang silang winners the second time around ng CSSP Carolfest noong Disyembre 2, 2009.

Ang PugadSayk ay ang magiging representative ng College of Sosyalan, Sayawan and Palakpakan (CSSP) sa university-wide beauty pageant ng mga boses, ang University Carolfest.

Ang kanilang inawit para sa taong ito ay ang medley ng “Noche Buena,” “Paglamig ng Hangin,” at “African Noel.”

Sa “Noche Buena,” nagkaroon ng skit-zo-phrenic eklat kung saan nagbarahan lang sila. Whut Anyway, sa “Paglamig ng Hangin” naman ay pa-star ang miyembro nilang si Vincent Venida. Sa “African Noel” naman, patalbugan sa biritan sina Daniel Concepcion at Mabel Ogoshi.

Pero siyempre, hindi pahuhuli ang super bibung-bibo na audience, kaya’t raise the roof ang levels ang PugadSayk for audience participation. Wagi!

Ang mga songers ay pinaganda, pinasexy at pinasyala ng kanilang conductors-slash-Holy Trinity na sina Zuriel Valbuena, Mark David Alvarez at Kenneth Dacanay.

“Thanks sa PugadSayk for giving me a chance na malinang ang aking skills bilang guro sa musika,” sabiness with ultra happiness ni Alvarez sa amin.

“[I’m] very, very jubilant,” inexpress with super duper feelings naman ni Concepcion, “two years in a row na rin kasi. I’m very grateful for the members!”

Naging first runner-up naman ang kagandahan ng voices ng Kratos, ang choir ng Department of Political Sayang, at nagtie sa second runner-up ang PsychSoc na isa pang organization mula sa Department of Psychoticology, at ang Koro Sentenaryo na joint force effort ng mga organizations ng tuma-thunders nang Departamento ng Kasawsawan.

Olats ang beauty ng Buklod-Isip, na ikinasawi ng benggang-bengga ng alumnus nito and now Psychoticology faculty Prof. Anton Clemente, although happy na rin siya kamo dahil ang beauty pa rin ng kanilang defartamento ang magbabalandra ng kagalingan ng CSSP sa university-wide Carolfest. Showbiz much!

Di nagpahuli ang mga artistas y aristitas ng UP SIKAT, na namigay pa ng lollipop-sarap sa intermission number, at sinabi rin ang quotable quote of the night, “Maligayang pasko sa lahat ng chumuchupchupchop ngayon! ▪

Chorva ni: Mahaderang Joklang Echosera