High school student, napaWOW sa pag- kaperky naten

It’s like, YOU KNOW! Haggard tayong lahat sa ateng acads pero we at the Unibersidad des Pilipinas (UP) still know how to PAAARTEY!

Ito ang bonggang pers impreshun natin sa isang student from the KeringTumambaySaSMkasiMalapitSiya High School (SM High School for short) noong sumali siya sa Balangay 2009, like, you know, the academic tetrapack, este tertrathlon, na inorgynize ng kapitbahay-friendship org ng Singa office noong Nobumber beinte trez.

After niyang manalo nang bongga sa katigoryang pagsusulat ng sanaysay (chenes, ang lalim ni kuya!), sabi ni SM High School student na “not so rigid”daw ang natural surroundings ng contest.

At agree ang mudra ng team!

“Sana ganito lahat ng contest,” ang kanyang shiz, adding that the fun atmosphere was “light” and “youth-orient-BAkLITAed” so parang chumichika lang ang mga parteycipants. PARTEY nga, no!

Si extemporaneous speech category first placer naman (na bengga mag-English dahil iniinterview siya ng super-stunning na ed ng news section! ) from the School of the kapangalan ng boylet ni Cleopatra sa Manny-la, said na unlike in his school where “students do not talk to people unless they’re talked to,” marunong makipag-echos ang mga UP students!

Sabi ni Mudra ng SM High School team, para sa team nila, ang we-are-the-champions (sing like Freddie Mercury, people! One, two, three! O tama na, baka umulan) drama ng mundo ay pangalawa lamang sa exposure (ay, exposure daw, teh!) sa isang environment na iba sa kinagisnan ng mga students nila.

Sabi naman ni project head ng shiz na ito, layunin ng event na maging attractive ang course nila bilang course para sa mga would-be UP students (Uy, hinahanapan ng date si course...).

Kaso mas magiging super bongga to the sky-is-da-limit level kung andun ang super-glam na guest speaker nila na public servant slash former news anchor slash... ang haba ng resume niya e.

Ten schools silang nag-all-the-way sa apat na katigories (nabanggit ko na yung dalawa). Wafaz ang ibang school versus GreenIsTheMostBeautifulColorInTheWorld-Coliseum University editorial cartooning at panalo ang New Born High School sa quiz bowl. Pero tumba silang lahat sa SM High School dahil sila ang overall champion.

Ngunit, subalit, datapwat, alaumbagay, tumapat ang bankrupt sa New Born High School pagdating sa overall champion category kasi kulang sila ng isang member sa team. (Para sa hindi maka-gets, four ang categories so kelangan four ang nasa team nila. E tatlo lang dala ng Mudra nila, so tsugi na sila for overall. Gets?)

Sabi ng mudra nila, hindi raw sila na-inform sa rule na ito until ma-release ang results. Pero keribels lang daw at sasali pa rin sila next year. Yeay :)

Sabi ni project head, bonus prize lang naman ang overall category at hindi din naman daw pupuwesto ang New Born High School kahit complete sila. Malapit lang daw sa third. Pero not quite. ▪

Chorva ni: Artists Get Fried