DEAL OR NOODLE? - Ang Bonggang-Bonggang Pagbubulay-bulay at Drama-rama sa Hapon ni Inday Varnah Mahaderah

TWO-THIRTY na ng hapon, at hindi pa rin umuuwi si Junjun. Katatapos ko lang ng laundry ko, at so achy breaky na my lumbosacral areas. Wala pa rin si Ateng. Wala namang trabaho yun, pero umalis muna kasama ng mga amiga niya para magpa-spa. Masisira raw ang skin niya kapag hindi siya nag-visit nang regular sa spa. Ewan ko ba kay Ateng. E kung anu-ano ang ina-apply noon sa balat niya: may cream, may toner, may astringent, may lotion, at kung anu-ano pa. Kakainggit. Samantalang ako nakuntento na sa kalamansi. Just a few rubs under my killy-killy, and the darkness
subsides. Ha-haha!

Wala nang entertainment showcase sa bahay. Pinaparepair kasi ang TV ni Ateng. Aba, habang nanonood kami nung Iisa Pa Lamang nung isang buwan yata, e tamaan daw ba naman ng kidlat yung antenna. Naaalala ko pa ‘yung eksena dun e: nahulog sa kumunoy si Isadora, tapos humihingi siya ng tulong kay Katherine dela Rhea. Ito namang Isadora, mega windangerz ang beauty na hindi malaman ang isisigaw kung “Tulong” ba o “Bitiwan mo ang pera ko!” Tapos tutulungan ba naman ni Katherine ‘yung si Isadora mula sa kumunoy, e ang ikli-ikli kaya nung patpat na hawak niya, as in mega dalawang dipa from the hands of the poor villainess. Such a biotch talaga that Katherine.

But anyway, habang nasa scene na ‘yun si Katherine at si Isadora ay kumulog kidlat ba naman nang oh so fiercefully, at unfortunately tinamaan ang pobre naming television. So here, back to postwar era ako with my beloved AM transistor na gift pa sa akin ni.. ni.. uh-hahahaha!!.. ni Brando the hardinero sa kabilang bakuran. Hay Brando. The memories. Kaya lang wala na si Brando diyan sa kabila. Nahuli kasi siya ni Mrs. Cervantes na may ginagawang kababalaghan… with Mr. Cervantes. Hay. Stupid Brando. So huge pa naman his foot.

So here, kapiling ng aking postwar era AM transistor, I listen to those cheesy radio drama series. And seriously ha, they’re so kakaaliw. I particularly make subaybay to this afternoon drama na ang title ay Nasaan Ka Na? Male-Late Na Ako. Tungkol sa isang widowed andchildless hasyenderang napakayaman at napakalaki ng mga lupain pero loveless. Hay, so they say, money can’t buy you love. The hasyendera’s name is Divina Sofia Rafaela Miguelita and her love interest is the magbubukid na si Crising.

I particularly like itong dialogue na ito:
Crising: Divina Sofia Rafaela Miguelita, heto na, ipapasok ko na..
DSRM: Sige Crising, ipasok mo na..
Crising: Eto na, malapit ko nang mapasok..
DSRM: Bilis, bilis!!!
Crising: Ang sikip naman..
DSRM: Anong masikip, e ganyan naman talaga ang power outlet ‘no! Sige pagkasyahin mo ‘yang plug mo.
Crising: Aaaaaaaahhhhh, uhhhhh…. (Naga-ground na pala).


So poor naman that Crising. Nung mag-end ang series, nagkatuluyan din sila ni Divina Sofia Rafaela Miguelita, pero the accident sa kuryente made Crising sexually dysfunctional. Hay. Poor Divina Sofia Rafaela Miguelita.

Hay.. Ang dami ko pa sana gusting ikwento.

*Toot, Toot!* Ay, tumunog ang cellphone ko. Wait lang babasahin ko lang:

Anak, myskit ang nny m. Cncr dw. Pdla ka nmn ng dgdg na pera. -Tatay