MARIMARI-MARIM - Papermaking

Madilim ang gabi. Tahimik na ang buong paligid, maging ang mga kuliglig ay nahihimbing. Patay-sindi ang ilaw sa kahabaan ng Acad Oval na animo’ y Christmas lights. Kukurap-kurap. Sa ilalim ng bilog na buwan, may mga nagkakagulong nilalang.

Maiingay, mapupula ang mga matang tila nakabatak ng kung anong cheap at expired na gamot. Pagewang-gewang kung lumakad, parang lasing pa yata. Sa katahimikan ng gabi biglang pupunit ang isang awit, “Papet, pasista/ Pahirap sa masa/ Pa- talsikin si Pappy!” na matatapos sa nakakalokong halakhakan.

Bwahahahahhahahahahhahaha….

Nyahahahahahahaha…

Wahehe..

Hay, rekoleksyon! O ano, bet nyo ba ang uber kalurkey naming experience? True to life yun day! Sa loob ng ilang buwan - mga tatlo yata pero kunwari di na lang mabilang para mas matagal - naging mga nocturnal beings kami. Every night, we’re like aswangs and talo pa namin yung mga bruhildang pick-up gurls na nakaabang sa kahabaan ng Visayas Avenue. Pagdating naman ng morning, winner kami sa palakihan ng eyeluggages at walang sinabi ang mga baklitang rugby boys sa papulahan ng mata.

Grabeh, so not nice noh? Ngayon ko lang narealize na di pala jocjocjoc lang ang pagmamanufacture ng isang paper especially if you’re gonna present it sa harap ng mga baliw at walang magawang people na pati language ay pinagtitripan. Di ka lang kasi basta magpuputol ng puno, ilalagay mo sa machine at yun, instant bluebook, yellow paper at kokomban na. Pambihira, maraming sacrifice din pala ang kailangan. First na yung patience, tapos energy, and sanity.

Yeah, it’s really not just jocjocjoc lang kasi it’s like parang nilibot na namin ang buong Metropolitan sa papermaking na pinasok namin para lang makitulog at kumain. We visited rin our Alma Mater para makigulo and to conduct our over kawindangerz na survey. Yah, it’s really nakakalito, di me rin nagets e pero we got naman the results that we wanted.

Wala, we’re like social climbers lang naman kasi na nangarap ng simpleng simple and that’s to write a paper para sa Philippine Linguistics PaperMaking Congress. Yeah, I know right, simple lang naman e.

By the way, yung paper nga pala namin ay about lexicography.

Ano?! Lexicography?!

What the hell on earth is that?!

Nosebleed!!! Ang high level!!!

Yeah, we’re like you know, kami ang BIGA-10! Hep! Hep! Hoorayy!

I’m still thankful because we’re able to finish our paper kahit na lumagpas na kami ng ilang deadlines. At dahil diyan, salamat kay Kuya J. And thankful rin ako kasi until now, we’re still alive and kicking.

Salamat din kay Kuya McDo, Ate Gloria Jeans, Manong BK at, of course, kay ninong Gonzales Hall sa pagpapatira nila sa amin sa mga panahong wala kaming masilungan at makainan. At salamat rin kay Pappy. You inspired us to shine the brightest. Maraming salalalalamat po talaga.

Hay, iyan ang maikling kwento ng mga naging karanasan ko sa PAPERMAKING. Di man ito naging madali, nag-enjoy naman ako.