Release Me: Mga Sagot Sa Tanong at Hinaing ng mga Cubicle

ni Jerjer After Theory-class and Sweet Lola Auring

Mga natatanging pangungusap tungkol sa mga sama ng loob, himutok at bitterness ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pili-panis: marami riyan sa ating unibersidad (sana naging annual budget na lang para mas winner!) Bilang mga makabagong bayani na walang hinangad kundi magkaroon ng mga pandagdag sa resume ay nagbigay kami ng mga payo, kumento at suhestiyon sa iilang mga huge, tasty and juicy na mga saloobing nafossilize sa mga pinto ng mga white-washroom ng mga cubicle. Kawawa naman sila, dahil kulang sila sa emotional, physical at sensual counselling.

1. It was my first time to mess around, and it was great!
- Wow! Buti ka pa, na-enjoy mo ang first time to mess around. Ako kasi, nung first time ko to mess around, I felt dirty, both inside and out. Parang binusabos ang aking pakiramdam, ang aking mga emosyon, at hinamaak ang aking mga potensyal. Ginamit niya lang ako! Parang kasi siya si Donkey. Tapos ako naman ang kanyang carrot at stick. Ginawa niya akong reward at punishment. Sana naging fair man lang- sana nagawa ko man lang na maging Donkey at siya ang reward at punishment ko!

2. Nothing really matters. In the end, we are always alone!!!
-Hindi mo man lamang ako napansin? Grabe ka naman kapatid, ang dami ko nang ginawa para sa sa iyo pero hindi mo man lamang pinahalagahan. ‘Kala ko naging espesyal para sa iyo ang aking kabaitan, ang closeness natin at kung paano kita tinulungan sa iyong mga adhikain. Pumayag akong maging part ng campaign team sa iyong pagtakbo sa council kahit na magkaiba tayo ng prinsipyo. Lagi naman akong nakikinig sa iyo kapag nabasted ka. Kahit na minsan, hindi mo naman ako sineseryoso kapag may kuwento ako. Kahit na mas itinuring mo pa akong voodoo doll at tissue paper kaysa kaibigan o kapatid. Ngunit kung parang wala lang pala sa iyo ang mga ito, kung hindi mo man lang ito napansin, bahala ka na. Manhid!

If nothing really matters to you, you shall be alone. Huwag mo na akong idamay.

3. M2M every Saturday afternoon?
-Bakit naman tuwing Saturday afternoon lang, kung puwede namang everyday, kahit pa three times each day kung kaya mo. Pare, saan mo gusto? Okay lang sa condo ko, madilim at masarap sa place ko. Tama lang ang lamig so ma-enjoy natin ang company at init ng isa’t-isa. Tiyak na mae-enjoy natin ang sarap. Or sa boarding house niyo na lang para mas may thrill. Masarap ang nabubuhay sa mundo ng ligaya, ligalig at sorpresa. Basta siguraduhin lang natin na wala ang mga room mates mo. Mahirap naman na biglang may kakatok at sisira sa ating moment, habang ninanamnam natin ng lubos ang pakikinig sa mga awit ng M2M. Lalo na yung line sa isang kanta nila na nagsasabing “Don’t say you love me, you don’t even know me, baby...”

4. Paano ba matatagpuan ang tunay na pag-ibig?
-Mula sa UP, sumakay ka ng kahit anong jeep na pa-MRT. Mula Quezon Avenue, sumakay ng MRT papuntang Buendia. Maaari kang sumakay ng jeep o maglakad patungong Atrium Building. Magtungo sa fifth floor. Maaari ka ring tumawag sa 811-4401 to 27.

5. Paano mo malalaman kung in love sa’yo ang isang guy?
-Napakaganda naman ng tanong mo, ngunit napakasimple lang ng sagot kung tutuusin. Dalhin mo sa kama. Magpakiramdaman. Namnamin ang langitngit ng higaan. Magpakasasa. Have fun. Oo nga pala, patayin pala ang mga ilaw. Kahit ‘yung lampshade sa tabi ng kama niyo. Siguruhin na sapat ang kadiliman para hindi mo makita ang iyong kaluluwa at konsensya.

Sana maramdaman mo ang essence na hinahanap mo sa napakasayang activity na ito! Enjoy. *wink*wink*

6. Help! Ayaw pa akong payagan ng parents kong mag-bf!
-Get a GF! Offer good while supplies last. So what are you waiting for? Get one, now!

7. Sexmate: 09174701616
-Ayan, ipinublicize namin ang ad mo dito for maximum exposure! Sana may mabuting puso na makakita nitong number mo, tapos maawa sa iyo at bukal sa loob niyang maibibigay ang pleasure at sensation na hinahanap ng kaluluwa mong tigang sa init ng pagmamahal. But just in case, we’ll text you too. Kaunti na lang, malapit na rin kaming matigang. Basta kapag tinext ka namin, ibig sabihin lang nito ay nais ka naming magpunta sa SINGA Pleasure House, specifically sa aming ‘G Spot.’ Don’t worry, there are no hidden charges. Good luck!

8. What would you do ‘pag may nagflirt sa’yo sa jeep (while riding) yung tingin ng tingin? Tapos cute siya at type mo?
-Sakyan mo! Sakyan mo siya. Sakyan mo trip niya. Pero sandali – sure ka ba na ikaw talaga ‘yung fini-flirt niya? Baka naman nadi-distract siya sa excess fried-chicken oil na naiwan sa lips mo dahil nakalimutan mo ito i-wipe off after kumain ng chicken sa Mcdope. Or baka naman yung maputi, gwapo, makisig at hairy mong katabi na sweet, juicy at tasty talaga ang tinitingnan niya at hindi ikaw.

9. Bakit ba ang gulo mo? Di ka sumusunod sa signs na hinihingi ko!
-May rhythm kasi na sinusunod. Ngunit bago mo makuha ang rhythm, you have to clear your mind from all the unnecessary baggage! Kailangan malinaw sa iyong mind kung ano ba ang nais mo gawin, kung paano niyo i-eexcute ang mga pre- at post-climactic activities. It’s a pre-requisite to attain maximum sensation and pleasure.

Sana nakatulong kami na magbigay ng kaliwanagan sa inyong mga malalalim na tanong. Huwag basta singhutin ang inyong mga saloobin. Matutong suminga at i-release me ang anumang gumagambala sa iyong pagpapaka-GC. XOXO ▪