BRIEF-ITY - Folly-tika

May time bomb na sa lahat ng mga would-be presidents, VPs, VIPs and nagkukunwaring VIP sila sa nakaumang na 2010 elections. Duh, kelangan na nila isubmit ang golden ticket (aka certificate of candidacy) ng mga tatakbo, so mas mabilis pa kay Road Runner ang drama nila papunta sa opis ng Cum-Erect. Siyempre sawsaw to the max ang lahat ng echusera y echuseros na umalohokan ng print, TV, radio at online para Saksihan at Patrolin ang blow by blow account ng pagpili ng susunod na granddaddy/mommy ng lahat ng echos ng bansa.

So kahapon nasagap ko from one of the umalohokans na bonggang naghihintay pa ng pupuno sa line-up niya ang isang party dahil nagdadrama ang isang the Third na bet nila for the senatorial race. Maka Glory days kasi yung isang bagong salta sa party na ito at hindi bet ni the Third na makasama sa lahat ng miting de avance at dance-for-the-masa drama for the folly-tical campaign.

Hay buhay folly-tics. Duh, last year lang, yung isang kandidato diyan, sumasama sa sumipa kay Agent Orange from his presidency in the House of Lords Pinoy version noong nasabit siya sa isang benggang budget controversy. Tapos malalaman mo na lang partners in crime sila 2010? Haler, mga tanga ba kami? Ulyanin, yes, pero hindi estupidas y estupidos!

Hay, nakakabanas bumoto, actually. Alam mo kasing chos lang lahat ng sinasabi at pinapromise
cross-my-heart-hope-to-die drama ng lahat ng mga kandidato. At kahit somewhere out there ay mayroong promising would-be public servant, alam mo naman kakainin did siya ng never na nabubusog na sistema ng pulitika sa Felipenes. At para naman sa mga kandidatong na-prove naman na keri nila ang system na hindi nagiging corrupt to the bone, normal na Felipino ka pag sinabi mong wala pang totoong challenge na dumating sa buhay folly-tics niya na level na chumallenge sa principles niya as a homo sapiens sapiens (Yes, yun ang totoong scientific name natin.). So inaassume na natin na imposible tayong magkaroon ng good na leader. Evaaaaaaaaaaaaaaaaar.

Sa kabilang banda ng Milky Way Galaxy, hindi ka normal na homo sapiens sapiens kapag umaasa ka sa pagbabago. Kung nag-aala Choco Papa Bama fan girl/guy ka para sa isang Felipino candidate, kelangan ng super mega massive meteorite para ka magising. Kasi, friend, it’s in your face na never tayo nagkaroon ng elected candidate who promised change and delivered it. So why believe in it now?

Bitter ako sa Felipene politics. Pero sino ba naman kasi ang hindi magiging bitter? Yun nga ang nakaka-hurt doon, halos lahat tayo bitter sa folly-tica ng ating bansa. Ang mga naniniwalang may bagong umagang parating ay dapat i-preserve sa National Museum at i-clone kapag available ang technology na iyon sa Felipinas.

Hindi kasi siya makakasurvive. Hindi ginawa ni Bro ang folly-tical system ng Felipinas para paniwalaan ito ng mga Felipino. Eventually makakain din siyang sistema at aayon sa norm—ang magdrama tungkol sa kabalahuraan ng sangkabuwayahan na kailangang sikmurain ng mga half-zombie na Felipinos na ginupong na ng folly-tical apathy.

Palabasin na lang natin siya sa time capsule kapag may would-be granddaddy/mommy diyan na kering mag-live up sa kanyang shiny, shimmery dream. Kaso feeling ko maiinip siya ng bongga. Sana lang wag siyang mawalan ng pag-asa na makalabas pa. ▪