PIGSAIN - The Chronicles of Kiri III

Noong nakaraang semestre lamang ay dumating ka, sinaktan at ginamit ako, at nag-iwan ng bahid sa isa sa pinakamaselang bahagi ng aking katawan. Pero hindi ako nagpatalo sa’yo nang mga panahon na iyon; kahit alam kong napaka-overpowering ng iyong kontrol sa bawat kilos ko, nag-ipon pa rin ako nang lakas para tuluyan ka ng mawala sa lahat ng possibleng kontekstong aking ginagalawan.

Oo, pinatay kita without even recognizing and consulting my morals dahil alam kong wala ka naman noon. Ni hindi mo nga alam kung saan ka nagmula at kung kailan ka magtatapos. Your existence really sucks, big time! At sabay sa pagpatay ko sa iyo ay ang tuluyang paglimot sa’yong mga alaala at sa sakit na naidulot mo sa akin.

Simula noon sigurado na akong hinding-hindi mo na ako babalikan pa. Ever. Ngunit ano itong aking nararamdamang pagkirot? Parang totoo. Parang pamilyar. Parang ikaw. Multo mo ba itong dumadalaw sa akin o ikaw pa rin? And then I realized ikaw nga ito, you in your own fleshy and disgusting self. I tried to convince myself na bumibisita ka lang, na this is but a passing and short-time fling ulit with my body but I was wrong. Ilang linggo na ang nakalipas at hanggang ngayo’y di mo pa rin ako nilulubayan. Ano na naman ba ang pinapahiwatig mo? Nag-eenjoy ka talaga sa pagstay mo noh? Kapal mo ah. Eh wala ka namang karapatang manirahan dito sa simula’t sapul pa lang even nung last sem ah. Tulad ng isang pag-ibig na mapaglinlang, bigla-bigla ka na lamang dumarating nang wala man lamang pasabi at nagdudulot ng matinding pasakit sa iyong biktima. Hindi lang ‘yon, ang pinakamasakit pa sa lahat ay ginagamit mo pa ang katawan ko as a constant venue for your growth and possible “reproduction.” Pakshet, ok?

I have been so considerate sa subtle na pagsugod mo, although I have tolerated your painful and ugly presence three times na in a row. In fact, binigyan pa nga kita ng pangalan na “Kiri III.” Third dahil pangatlong beses ka nang pabalik-balik sa akin. Pinilit kong itago ka sa publiko ngunit mariin mong pinapaalam sa kanila ang iyong presensya. Paano? Kasi naman you make one of the
easiest human actions so hard and so painful. Bakit ba kasi tuwing umuupo ako eh lumalaban ka sa pamamagitan ng pagkirot mo. Pati tuloy dignidad at perfection ko nadadamay. *Sighs*

You’ve hurt me once and twice and thrice but I will not let you hurt me and my body again. Parating na ang araw at tuluyan ka nang mahihinog muli. Kapag nangyari ‘yun gaganti ako sa’yo ng bongggang bongga. Tutusukin ko ang pinaksentro ng iyong kapangyarihan at titirisin kita hanggang sa lumabas ang lahat ng lamang loob na bumubuo sa ‘yong existence. Alam kong masasaktan din ako sa proseso, ngunit kung ito lamang ang natatanging paraan para tuluyan ka nang mawala sa aking sistema, then so be it.

PAKYU PIGSAAAA! You will soon be annihilated…forever. ▪