IMPAKTOKAYO - The Third Time’s the Charmee

Naisip kez lang, kung nabigo kang gawin ang bet mez achievin sa dalawang magkasunod na chonalyn, the same thing or against the same utaw itey ha, wit ka na ba at wiz mo na achievin muli?

Pyoka ng iba, “the third time is the charm” daw. Award! Kelangan pa bang tatlong beses karirin ang isang endeavour bago mag–win? Bakit naman kasi ganitei, kung ikaw, you try naman na you know, like, maging mabait na utaw pero wiz, di talaga you pinagbibigyan. Irritaness diva!

Anyway highway, I guess ganyan lang naman talaga ang lifeness, minsan getching mo ang bet mo, minsan naman wa. Achievin mo man ng tatlong beses o higit pa, kapag hindi para sa’yo, hindi talaga magiging iyo. At kung para sayo naman, isang beses lang keri na! Wala namang nag-chika na keri–keribels lang eh. Kung bet mang–endeavour ortry lang the achievin ang isang bagay, ng try hanggang maging sexcessful! Despwet all the hardshipness and trialsness and tribulationsness and all that kemeness, fun fun fun paring mabuhay!

Well, marami pa rin naming dapat ipagpasalamat. Trulalu diva? Buti nga buhay ka pa eh.Imagine mez na lang, parang wiz ko naman yata keri maging cold and lifeless na lang lying six feet under. Parang hindi naman yata fun yon!

Join lang kung ano ang ibabato sa’yo ng buhay. Kung batuhin ka ng bato, edi masaya! Ipalaman mo sa tinapay. Maging happy na lang tayo lahat.

In fairness, di ko rin naman bet magdrama ng bengga, bilang wiz naman akez ganung klaseng utaw. Still, nagkaka–moments naman tayo lahat. Minsan lang itey, pagbigyan nyo na akez.

O cge na nga, masyado na yata itech nagiging mahaba. Yonex lang naman ang mga naglalaro sa sabaw kech na utak nitong mga nakaraang araw. Siguro dapat ko na talagang tigilan ang pagsubaybay kay Spongebob, masyado akong maraming nalalaman ng benggang bengga, like gravity!

P.S. Trulalu pala ang writer’s block. Kala ko eklavu lang ng mga ma–arts. You know, like, for the past few weeks, wa akech maisulat as in! Para bang may humuhigop ng lahat ng nasa isip kez tapos sinusuka sa kawalan. Hhhmmmm, well... ▪