SINGIT OF DARKNESS - Ekis Marks the Spot

Boys, kung ini-ihian ninyo ang mga teritoryo to mark them, pwes, may mga ganung moda din kaming mga girls, FYI. Kaya listen to this, like, story.

Alas diyes ng gabi at kami ng aking barkada ay nagfefeeling on top of the world. Out of the blue, hinatak kami ni Miss Belikbeyen para magtawag ng girl talk session. Wa choice naman kami kundi sumunod at iwanan ang mga lalake sa labas para magpakalunod sa pitsel ng margarita. Afterall, once in a blue moon lang umuwi si Miss Belikbeyen, at chaka naman kung di namin kikilalanin ang mga bagong da who sa buhay niya.

“Super natutuwa ako na nagkakaintindihan kami ni ---! It’s not everyday I meet someone who shares the same interests, politics and all, at nakapag-bonding pa kami. Ang saya pala na makakilala ng taong pareho ng interes sa iyo.”

With conviction itong sinabi ni Miss Belikbeyen, todo nakapikit pa. Mukhang may lasing na. Limang minuto na siyang dumadada tungkol sa bago niyang boylet, si what’s-his-face na pangalawang beses pa lang niyang makasama ngayon. Limang minuto na rin pala kaming nakakulong sa banyo. Napatinggin ako kay Little Miss AWOL na kasalukuyang nakatayo sa harap ng lababo. Pinaglalaruan niya yung gripo, bukas-sara bukas-sara, habang mistulang nakikinig.

After 48 years ay nakumbinsi ko rin si Miss Belikbeyen lumabas. Oras na para ma-dethrone ang queen (ng) b(anyo). Masama ang tingin sa ‘min ng lalaking sunod sa pila. Dahil Malaysia ng bonggang bongga si Miss Belikbeyen, patuloy lang ang pagkuwento nito habang kami’y nakatayo sa harap ng banyo. Ngalingali kong iniuntog ang ulo ko sa pinakamalapit na pinto.

“Naniniwala ka ba na women mark their men?”

Mga ilang araw din ang nakalipas bago ulit kami nagkita ni Little Miss AWOL, at nayaya akong tumambay sa kanila. Tumigil siya sa pagkain ng spaghetti, at tumingin sa akin.

“In what way?”

“Yun bang didikit ka sa isang lalake para malaman ng iba na interesado ka sa kanya.”

Nakausap ko rin ang kanyang jowa tungkol dito nang isang beses ay nagkasabay kami pauwi.

“Yung pag nagshashare ka sa mga friends mo na trip mo si ganito?”

“Yeah. Kasi because of loyalties, hindi mo puwedeng i-flirt kung sino man yung trip ng friends
mo.”

Sinabi ko rin ‘to sa kanya.

“Girl, syempre naman! Naaalala mo si Stepipay, di ba?” Ako’y napangiwi. Tatlong taon na rin pala ang nakalipas nang mag-FO ang dalawa dahil nagkataong pareho ang kanilang nagustuhan. Wala rin namang nangyari; said byola is still single. At least that’s what I hear through the grapevine.

Mukhang territorial din pala ng mga babae. When women are touchy-feely, it’s safe to assume that the recipient and the instigator are quite close. Unless na lang kung malandi talaga siya.

I wanted to capture the whole thing from another angle. Kaya naman noong nakita ko si Ted isang araw sa tambayan, I asked for his two cents.

“Wala namang difference, eh. Ganoon din naman sa mga lalaki.” I asked him to expound.

“Pag may nililigawan yung kabarkada mo, siyempre off limits yung girl. Respeto rin kasi.”

“Paano kung, given the hypothetical situation, dalawa kayo na may gusto sa parehong girl?”

“Back off ka dapat for the sake of your friendship. Minsan kasi depende rin on how strong your feelings are for that person. Kung feel mo siya na yung The One, eh di go lang, I suppose.”

Putting my usisera skills to the test, nalaman kong may pinaghuhugutan pala itech. Muntik na pala silang mag-MU ng crush, if not for girlie stepping down dahil in like din ang friend kay Ted. As expected, wala ring nangyari.

Hay naku.

Better grab him up Miss Belikbeyen, and fast. Kung hindi, tatalunin ko talaga siya. ▪