RETRO! Pagbabaliktanaw sa Nakakalokang 2009

Mahaderang Joklang Echosera

Patapos na ang 2009—di ka pa rin ba nababaliw? Well, congrats, dahil truly nakakaloka evar ang mga eksena at kaganapan sa taong ito. Parang nafefeel na talaga natin na kukunin na tayo ni Bro three years from now. Afraid! Kaya kung virgin ka pa rin hanggang ngayon, gumawa ka na ng paraan! Hahaha. At para ma-inspire ka sa blueprint na gagawin mo, eto ang pagbabaliktanaw sa nakakabaliw na taong 2009. Ariba ariba!

Happy New—Down There!
January 15, nagulantang ang lahat ng mga baklita sa balat ng Mudrang Bayan nang mabalitaan nila ang pagkatsugi ng isa sa mga Pinoy ‘90s movie icons and ex-celebrity housemate na si Rustom Padilla, na kaka-out pa lang nun (who if you could recall ay nag-out pa with matching mariposa effect). But wait, there’s more! Noong binabaon na sa lupa ang kanyang sepulcher (naks! Si Anabel Lee daw siya), bigla itong bumukas at umenter sa Sangkabaklaan ang mala-Diyosang nilalang na nagpakilala bilang Bebe Gandanghari.

Month of Hearts
Nagwala at nag-amok ang mga alagad ni Satanas sa Love Rage 3 concert noong February 13, isang event na inorganize ng isang fratey na itago na lang natin sa pangalang Pan Xenia Fraternity para sa taunang UP Fair. Bonggang bonggang nagbatuhan ng mga debris at kinalampag ang gates nang maubusan ng ticket ang mga jerjers na dalawang beses nang nakapalibot sa Acad oval sa haaaaaaaaaaaba ng pila.

Two days after this month of pussy, mahigit isang linggong nag-a-“I miss you, pappy!” ang lahat ng mga inhabitants ng Sangkawowoweehan dahil sa pagkaconfine ng kanilang bathala na si Willie Revillame sa St. Luke’s Medical Center dahil sa umano’y paninikip ng dibdib, pagkahirap huminga at pagkahilo. Gaga, hindi dahil sa nakita niya si Edward Cullen, kung hindi dahil sa namarang archery sa kanyang puso. Awwww. Anyway, gumaling naman siya. Exciting no?

March of the Indios
Heto, seryosong tsugi-ers news na ito, na ikinalungkot naman nang benggang bengga ng Pinoy music industry. Noong March 6 ay isinurrender na ng actor, host at Master Rapper na si Francis “Kiko” Magalona ang kanyang life, liberty and property sa diyos ng kaleidoscope world sa taon na 44. Multiple organ (not the Roland or Korg, okay?) failure at pneumonia ang sinasabing COD, pero hindi lingid sa ating kaalaman na nakikipagsabunutan din ang buhay ni Francis M at ang sakit na kanser. Idinaos ng samu’t saring ka-industriya sa musika ng isang tribute concert in memoriam, at makikitang emote to the max ang mga ito.

Ay ito pa, friends, nakakalaglag-kilay sa pagka-over. May baklitang columnist, si Chip Tsao ng HK Magazine from the land of Hong King Kang Kong ay nagpahayag sa kanyang column na ang Mudrang Bayan nating Pilipinas ay isang “nation of servants.” Na-say niya ito bilang justification kung bakit hindi daw bagay sa beauty natin ang pag-angkin ng Spratlys island na linchak na since panahon pa ng mga brontosaurus pinag-aagawan. Granted na 355% ng mga Pinoy na pumupunta dun ay DH ang drama, napaka-uncalled for naman talaga ng kanyang comment, which he should have been sensitive to as ajournalist, right, right, am I right? Kaya’t ang lawyers ng mga servants ay inurge ang Kalihim ng mga servants’ foreign affairs na magwage ng protesta against the leaders of Hong King Kang Kong at humingi ng public apology mula sa chakalitang si Chip Tsao.

April Fools
Para makarecover tayo sa bad image na galing sa nation of servants fiasco, one of our very own senyora baklitas, Madam Imelda Marcos herself, found her way to Newsweek’s Greediest of All Time List. Congratulations! We could be no less than supar dupar proud lang. And same goes for her, kasi she pleads guilty naman daw na kahanay niya sina Genghis Khan, Dowager Cixi, Pope Sixtus IV and William Vanderbilt.

Pero hindi nagplead nang guilty sa pagpapatay sa kanyang wifeness ang batikang anchorman na si Ted Failon. Ang kanyang esposaness na si Trinidad “Trina” Etong ay natagpuang patay sa kanilang banyo sa pagkakabaril, at hindi na siya kumibo kahit ilang beses na siyang sinabihan ng “Hoy! Gising!” Ilang linggong imbestigasyon ang ginawa para malaman kung suicideness o foul playness ang naganap. Nirule out ang latter matapos ang imbestigasyon.

May Bukas Pa
“Tuliro, tuliro tuliroooo… Kay bilis naman...” awit ni Celeste Legazpi kay Ricky Hatton nang mapatumba siya ni super endorser and bakbakan master Manny Pacquiao sa kanilang laban noong May 2. Hindi alam kung matutuwa o maiinis ang gumastos pa ng bengga para mapanood in pay-per-view or in payrson ang labanang Pacquiao-Hatton bilang wiz nang makatayo si Hatton sa second round, at dumive pa nang patalikod sa ring. Actually, nakakaawa, wag ka ngang tumawa sa ala-ala nun.

Maliban sa hype na ito, di rin mapakali ang sangkabaklaan dahil sa banta ng influenza A(H1N1) Happy Kaarawan virus. And just like a wish come true, noong May 21 ay kinonfirm ang unang kaso nito sa Mudrang Bayan. Ang nagdala nito ay isang uhuging bata na nanggaling sa bakasyon sa Canada. Bongga. Yan ang kabataang Pinoy—ikaw ang simula!

But wait! Hindi lang yan ang kumalat na virus sa sangkabaklaan sa buwan na ito. Isama mo na diyan ang super fun and super choreographed sex videos nina Hayden Kho and Katrina Halili, Maricar Reyes and Brazilian Model (oo, yun talaga ang birth name niya). Aliens lang ata ang di napanood yun, kalurkey!

Gone too June
After a two year search para sa diyosa-mommy na si Ruby Rose Jimenez, na kapatid ng isa pang diyosa at actress na si Rochelle Barrameda, humantong ito sa isang nakakahagulgol at nagkakapagngitngit na conclusion. Kinonfirm noong June 10 ng familya Barrameda na si Ruby Rose nga ang babae sa bangang natagpuan sa Navotas river, na nadaanan pa ata ng construction site dahil sinimento pa ang loob nito. Ang tigas fez forever and ever ng gumawa nito. Iginigiit ng pamilya na may kinalaman ang esposoness ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III sa karumaldumality na ito.

At dahil ubusan ng luha ang buwan na ito, naging gone too soon din ang effect ni King of Pop Michael Jackson nang atakihin ito sa puso noong June 26. Inaantabayanan pa naman sana ng mga kabayan ni Ricky “Tuliro” Hatton ang kanyang coming out concert na magaganap ilang linggo na lang mula sa kanyang pagkamatay. Ang buong mundo ay nagluksa at nagmoonwalk at nagmega todo tribute in various forms in memory of Jacko.

July na, noh?
It’s a most wonderful time of the year especially for our Madamdaming President Gloria Palakpakan Arroyo dahil SONA (Showbiz na Official News Again) na naman. So, with her fuchsia paper shreds-inspired terno, nabanggit niya na… Ano nga daw? Di na ako nakinig e, masyadong akong nagconcentrate sa pagbibilang ng palakpakan. Basta, supar unlad na daw ng bansa as in supar.

Sa same, like, araw (that wuz July 27), kinonfer ni Madamdaming President ang siyam. Na alagad. Ng sining. Nawafuzz ang artists community na pinangungunahan ni Don Virgilio Almario ang mga resulta dahil nakabilang sa mga nagawaran ng National Artist Award ang ilang baklita na hindi naman ninominado ng Justice League and Superfriends of Art and Culture. Umalma si Lito Lapid impersonator Carlo J. Caparas dahil mga inggiterang baklita lang daw ang mga umaatake sa pagkagawad sa kanya nito. LOL na lang.

Yellow-gust
Infernez, nahihirapan na akong magpakabaklita bilang deadzung news na naman ang highlight ng buwan na itey. Buong bayan ay nagluksa at nagka-LSS sa “Tie a Yellow Ribbon” at “I Have Fallen in Love” dahil sa pagkayao ng pambansang MOM (pronounced MA-HUM) na si Tita Cory Aquino nang magsuccumb ito sa sakit na cancer of the colon noong August 2.

At dahil nagluluksa si Madamdaming President, she decided to have a party in the USA (Miley Cyrus) not just once, but twice (at least, yung napublicize ng bengga) around the second week of August. Inabot ng ilang millions lang naman ang tab niya at ng kaniyang entourage sa New York and Washington dinners nila, at na-Page Six pa sa The New York Post.

Badeeyah, Stranded in September!
Badeeyah, super duper cloudy day! Oh di ba? Who can forget the pananalasak ni Ondoy noong September 26?

But wait, bago muna yun ay sumuko na sina Benigno “Noynoy” Aquino III at Manuel “Mar” Roxas II sa tawag ng pagkatrapo bilang standard bearer and running mate respectively for the Liberal Panty para sa halalan sa 2010.

Kebs. So ayun, nastranded tayong lahat sa kung saan saang lupalop dahil sa hagupit ni Ondoy. Maraming nasalantang kagamitan at napawing buhay. Quiet na lang ako. Anyway, supar full force naman sa pagtulong ang mga baklita ng Mudrang Bayan sa outreach programs at pagdeploy ng relief goods. In fairness, ang sweet talaga nang mga naganap na pagtulong, kahit mega sawsaw ang mga traponess, pero that’s a given naman here, e.

Paghahanda sa Nakawan ng Ballots
But before that, aktwal na nakawan muna. Nagulantang ang mga familya de alta de sociedad nang bulabugin ang kanilang Sunday family bonding sa Greenbelt 5 noong October 18. Anim na goons ang umentrance sa store ng Rolex at nanggulo lang. At dahil malas na araw para sa mga mandurukot iyon, nagkataon na ang Taguig city Mayor Freddie Tinga at ang kanyang security entourage ay rumesponde sa cheverloo. Malas.

Anyway, noong Halloween ay katakut-takot na paghahabol sa voter registration ang mga baklita. Kaya ayun, siksikan lang sila sa nearest COMELEC center.

Except, of course, sa Makati. Dahil ganyan kami sa Makati! Beh.

Nubimber na gyud
Superstariray ang mga pambato ng Mudrang Bayan sa mga American talk shows both sa umaga and sa late night. Noong November 4 ay naging guest si Manny Pacquiao sa Jimmy Kimmel Live, at nakagarner pa ng standing ovation sa kanyang rendition ng “Samtayms Wen We Tats.” Ang bilis naman maawa ng mga ‘kano! Noong November 17 naman ay nagrender ng isang Charice Pempengco-inspired performance ang 12 year old batang bibo na si Rhap Salazar sa Ellen.

November 15 naman ay nanalo si Manny Pacquiao against Miguel Cotto via TKO. Sus, news pa ba yun? Pero parang ang tagal nang laban, as compared to the past fights ni Manny, ha. Nanghihina ka na ba, Manny? May nagpapapuyat ata sa iyo. At sa pagkakaalam ko, maaga matulog si Jenke. Tss tss tss.

At dahil puro magagandang balita ang dumarating, bago natapos ang buwan ng Nubimber ay naganap ang isa na namang karumaldumality—in fact, the worst karumaldumality ever na related sa eleksyon: ang Maguindanao massacre. Diyos ko, Lord, wag niyong hayaan na this will go unredressed, kung totoo ka! Este, kung totoo po you, please?

Muling Magkakakulay ang Oval
Salamat sa liwanag mo, Bro. E ano pa ba ang mas bobongga pang balita sa buwan na ito kung hindi sa release ng SINGA? Wala na, friend. Manahimik ka na lang. Char! ▪